Shoot, pray, and hope for the best.

Yan ang sa tingin ko ang motto sa paggamit ng film camera.

Yan din ang dahilan na kung bakit sa tingin ko ay exciting pa din gumamit ng analogue camera.

Kung friends tayo sa YM at alam kong “into photography” ka, malamang ay pineste na kita ng tanong kung anong magandang film camera para sa beginner. Maraming nagtaka kung bakit interesado ako sa film photography samantalang halos lahat ay uber gaga sa dSLR o kaya ay Instagram. Kuntento na sila sa sagot ko, “Weird kasi ako.”

May nag-suggest sa akin na i-try ko ang lomography. Isang linggo akong nag-research kung ano ang lomography, anong lomo camera ang maganda, anong klaseng film ang kailangan kong bilhin, saan ako pwedeng bumili. Mamaya, hopefully, ay makakabili na ako ng lomo camera.



Pero, taeng tae pa din ako magkaroon ng simpleng film camera katulad ng Canon Prima Super 120 sa pakontest ni Bulagspot. Ayon kasi sa research ko, masyadong “hype” ang lomography. Kaya nga eto, kinakarir ko ang pakontest nya. Para naman hindi lang “Shoot, pray, and hope for the best.” ang motto ko.

Hindi pa naman ako magaling magdasal.